Monday, March 15, 2010

Paano ba ang lumaya sa pait ng kahapon?

Nagising ako, sa isang malamig na umaga na ang tanging alaala ng kahapon at siyang bumabagabag pa din hanggang sa mga oras na ito!! narinig ko ang tilaok ng tandang na nagsasabing umaga na pala pero ang dilim ay bumabalot pa din sa buo kong pagkatao! Pinilit kong bumangon upang makapag almusal na pero ang mga paa ko ay naklugmok pa din sa aking hinihigaan!! Biglang nagbalik sa aking gunita ang mga pangyayaring yaon na wari ko'y parang isang bangungot pinilit kong idilat ang aking mga mata ngunit ano itong tila pumipigil sa akin na para bang ako'y binubulag sa aking kinahihigaan. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking pulso parang siphayo na papalakas ng papalakas habang ako'y narito sa ganitong sitwasyon. Hindi ko maintindihan ang ganitong damdamin naloloko na ba ako o sadyang ako'y inuusig na ng lahat ng mga kasalanan ko!!!!!!!!!!!

Wednesday, February 3, 2010

mukha ng kaligayahan!

Dati nagkaroon kami ng mga kaibigan ko ng pag uusap, na kung may porma ang kaligayahan magiging ano kaya ito? pinag isipan naming maigi ang sagot napakahirap sapagkat hindi literal na bagay ang ganun pero isa sa mga kaibigan ko ang sumagot! "kung may porma ito malamang siguro kulay bilog kasi diba sumisimbolo iyon sa pera?, at kung maraming pera malamang masayang masaya mga ang tao!" nagtawanan kaming lahat at itinuring namin yun na isang biro pero ang katotohanang bumabalot sa buong san daigdigan ngayon ay ang katotohanang tayo ay alipin ng pera!. "Pera ang siyang bumubuhay pera ang siyang kikitil" Nakakakot na talinhaga pero iyon ang katotohanan sa buhay natin. Naisip ko din na parang salamin ang kaligayahan kahit saan ka tumingin ay siyang mukha padin natin ang ating makikita pero kung iibahin mo ang anggulo siguradong magrereflect iyon ng liwanag at ang liwanag na iyon ang siyang magtuturo sa atin ng daan sa tunay na kaligayahan. Natatakpan man ng mga pekeng ala-ala ang ating mga isip pero ang ating puso ay nananatiling malinis at banayad! At doon ko napagtanto ang lahat tungkol sa bagay na iyon.............

Monday, January 11, 2010

why is life so unfair!!

....................

why my life so lonely?

i think the one of the easiest way to make you realize life is to look at the mirror and reflect on your daily lifestyle!!!