Monday, March 15, 2010

Paano ba ang lumaya sa pait ng kahapon?

Nagising ako, sa isang malamig na umaga na ang tanging alaala ng kahapon at siyang bumabagabag pa din hanggang sa mga oras na ito!! narinig ko ang tilaok ng tandang na nagsasabing umaga na pala pero ang dilim ay bumabalot pa din sa buo kong pagkatao! Pinilit kong bumangon upang makapag almusal na pero ang mga paa ko ay naklugmok pa din sa aking hinihigaan!! Biglang nagbalik sa aking gunita ang mga pangyayaring yaon na wari ko'y parang isang bangungot pinilit kong idilat ang aking mga mata ngunit ano itong tila pumipigil sa akin na para bang ako'y binubulag sa aking kinahihigaan. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking pulso parang siphayo na papalakas ng papalakas habang ako'y narito sa ganitong sitwasyon. Hindi ko maintindihan ang ganitong damdamin naloloko na ba ako o sadyang ako'y inuusig na ng lahat ng mga kasalanan ko!!!!!!!!!!!

No comments:

Post a Comment